top of page

Kaibahan ng dating panahon ni Jose Rizal at ang panahon ngayon

  • Gino Salud
  • 8.12.2015
  • 2 min käytetty lukemiseen

ng pagsasalaysay ni Dr Jose Rizal ng nakaraan ay tungkol sa mga kastilla at kung paano nila inabuso ang mga taong pilipino nung na sa taon ng kanilang pagtaas ng kapanyarihan dati. Paano kaya kung sa nangyari sa El Filibusterismo ay nangyayari pa rin hanggang ngayon sa pilipinas? Ikokompara ang kultura natin ngayon at dati gamit ang el filibusterismo upang makita kung may nagiba ba o wala. Simula natin sa setting ng kwento tungkol sa pilipinas dati, yung mga pilipino dati ay naghihirap kumuha ng hanap buhay o trabaho dahil sa pagabuso ng mga kastilla sa indyo. Pag hindi nakatrabaho mawawalan ng pera at magiging mahirap, ngayon madami pa rin pilipino na mahirap at mga walang trabaho dahil naman sa pagaabuso ng mga korrupt na gobyerno.

Meyroon din ang paghihiwalay ng mga pilipino, isang halimbawa dito ang Mindanao at ng MILF ang pwede ikompara dito ay yung mga indyo at mga kastilla dahil sa "social status" nagkakaroon ng away at paghihiwalay sa bayan at nagkakaroon ng away. Pati rebolusyon kasama na din pati ang galit na nagbubunga ng giyera sa pilipinas and MILF laban sa Gobyerno ng Pilipinas kung ikokompara pwede ito ilagay sa laban ng mga Tulisan at ang mga kastilla. Terrorismo pwede din pagsabihan ngayon hindi lang sa pilipinas pati na din sa buong mundo. Ang pagpapsabog sana ng bahay ay pwede pa rin mangyari ngayon sa pilipinas dahil sa mga terrorista. Hanggang nagyon nagkakaroon pa rin ng rebolusyon hindi dahil sa ibang bansa kung hindi dahil sa atin isa't isa, sarili nating dugo ang nasasayang dahil hindi natin kaya maging isang kapwa tao. Mabuti naman tayong mga pilipino ay meyroon pa rin magandang ugali na natitira sa ating pagkatao, katulad na maunlad ang pilipino masipag magtrabaho para sa pamilya, tayong mga pilipino ngayon ay nagpapakita pa rin ng pagmahal sa ating mga pamilya pati din sa diyos nagbibigay pa rin tayo ng respeto kasali na din dito ang "po" at "opo" sa matatanda, nagpapakita pa rin tayo na magalang, masipag, mayrespeto, at takot sa diyos bukod doon mapasalamat pa rin tayo sa diyos kahit madami na din masasama na nangyari sa atin, matapang pa rin tayong pilipino at hindi tayo babagsak, hindi tayo magpapatalo sa kahit ano, babangon at babangon tayo lagi para sa ating bayan dahil tayong pilipino ay mapagmahal at hindi mawawala ang ugali na iyon sa atin.

Kahit madami na nangyari satin mga pilipino hindi ibig sabihin noon na magpapatalo lang tayo. Kahit madaming korrupt, terrorista, bagyo, at galit. Kahit lahat itapon sa atin hinding hindi tayo matatalo at babagsak. Iisa tayong bansa, lahat tayo anak ng diyos, at iisa tayong pilipinas.


 
 
 

Comentarios


Who's Behind The Blog

    Like what you read? Give us all a high grade in Filipino today!   

© 2015 by "(website title)". Proudly created with Wix.com

bottom of page